Huwebes, Marso 9, 2017

Davao Street Foods
Fish Ball
- Ang fish ball ay karaniwang matatagpuan sa labas nang paaralan, dahil maraming mga estudyante ang nahuhumaling na kumain nito. 




Ang fish ball ay nag kakahalaga lamang ng isa hanggang sampung piso depende sa klase nito. Ang kadalasang lugar na nagbebenta nito ay sa may UM bolton.


Davao Street Foods
Kwek Kwek 
- Ang kwek kwek ay pinag halong harina, nilagang itlog at pang kulay. Ibinabad sa harina ang nilagang itlog saka ipinirito. Mabenta ito nalo na pag hinaluan nang sea weeds at pipino.

Sa San Pedro kadalasan matatagpuan ang mga nagbebenta nito. Malapit sa San Pedro Cathedral nakapalibot ang mga nagbebenta.


 Nabebenta ang mga ito sa halagang sampong piso hanggang kinse pesos. Samahan pa nang malamig na buko juice na nag kakahalaga lang din limang piso hanggang sampung piso. Saan aabot ang bente pesos mo? sa isang order nang kwek kwek at buko.



Miyerkules, Marso 8, 2017

Davao Street Foods
-  Iba't iba ang mga pagkain na matatagpuan sa iba't ibang lugar. Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa parke, simbahan, paaralan at higit sa lahat ang lugar kung saan nabubuhay ang mga ilaw sa ingay ng mga taong bumibisita gabi gabi sa "night market ng roxas" ito ay matatagpuan sa Roxas Ave, Poblacion District, Davao City. 


Maraming pampasaherong jeep ang dumaraan sa sikat na lugar na yun, kabilang na ang Toril. 

Mula sa Toril na hanggang roxas ang rota.